Epekto ng TRAIN Law sa Sektor ng Jeepney

Introduksyon

Image result for TRAIN LAW
Nakuha mula sa https://www.entrepreneur.com.ph

Isa sa mga napapanahong usapin sa Pilipinas ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law o ang tinatawag na TRAIN Law.

Kabilang sa batas ang personal income tax (PIT), estate tax, donor’s tax, value added tax (VAT), documentary stamp tax (DST), at mga excise tax pagdating sa petrolyo, mga sasakyan, sigarilyo, pagmimina, mga softdrinks, uling, at gawaing kosmetiko.

Kaakibat ng layunin na pataasin ang kita mula sa buwis, sinabayan ito ng masamang epekto sa ekonomiya dulot ng tuluyang tumataas na inplasyon sa bansa. Tuluyan na ring tumataas ang presyo ng gasolina hindi lamang dahil sa ito ay nagiging isang global na pangyayari kundi na rin dahil sa excise tax na pumapatong dito. Dahil dito, naaapektuhan na ang mga gumagamit ng mga sasakyan mas lalo na mga nangangailangan nito bilang parte ng kanilang pangkabuhayan tulad ng mga jeepney drayber.

Do_IwN2U8AAKSbl.jpg
             Dagdag sa presyo ng petrolyo ngayong 2018            Nakuha mula sa https://www.scoopnest.com

Tuluyan na rin naging isang “domino effect” ang epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina at tinamaan na rin ang masa. Upang mabigyan hustisya ang pagtaas ng petrolyo  sa mga jeepney driver at bus operators, ipinatupad ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtaas ng pamasahe  mula 8 pesos hanggang 9 pesos noong Hulyo 6, 2018. 

78846048-1024x1024
                                        Pampasadang jeep sa gas station                                            Litrato mula sa https://www.gettyimages.com

JEEPNEY: ISANG SIMBOLO NG KULTURANG PILIPINO

 

This slideshow requires JavaScript.

Ang jeep ang siyang naging pangunahing transportasyon ng bawat Pilipino na naging patok at kilala sa lansangan ng Pilipinas

Ang jeepney ay isang simbulong madalas gamitin upang kumatawan sa Pilipinas at sa ating pagka-Pilipino. Sa pamamagitan ng pagsiyasat sa pinagmulan, disenyo, mga elemento, at mga pangyayaring nakapaloob at nakapaligid sa jeepney, matatagpuan natin ang mga kilos, ugali, konsepto, at mga pagpapahalagang nagpapahayag ng ating pagka-Pilipino. Ang malikhaing pag-angkop ng Amerikanong jeep sa kondisyon ng mga Pilipino ay nagbigay-daan upang gamitin ang mga katagang “malikhain,” o “mapamaraan” bilang ilan sa mga pangunahing pagkakakilanlang-Pilipino. Ang mga imahe at pigurin ng mga santo, at panalangin na madalas makita sa mga jeepney ay nagpapahayag ng pagiging relihiyoso ng mga Pilipino. Ang mga disenyo at borloloy na makikita dito ay nagpapahiwatig ng mga ugali at pagpapahalaga ng mga Pilipino. Higit sa lahat, ang ugnayang nagaganap sa loob at paligid ng jeepney ay siyang tunay na sumasalamain sa ating pagka-Pilipino at sa buong Pilipinas bilang isang bansa.

Kapag sumakay ka raw ng jeep, hindi ka lang sumasakay sa isang sasakyang panlupa na naghahatid sa mga pasahero sa mga destinasyon nila, ngunit sumasakay din tayo sa isang kultura – ang kultura nating mga Pilipino.

15
                       Loob ng jeep na maaaring magsakay ng 12-15 katao                       (Litratong kuha ni Mielo John Narag)
13
              Salamin na nagpapakita sa pagsakay at pagbaba ng mga pasahero            (Kuha ni Mielo John Narag)

Hari ng kalsada ang pagkilala sa jeepney sapagkat ito ang pinaka-kakaiba sa lahat ng matatagpuan na transportasyon sa Pilipinas. Pintado ito ng iba’t ibang kulay upang ilabas ang masayang pakiramdam sa pagsakay dito. Sa timog silangang Asya, sa Pilipinas, kung ikaw ay walang masakyan na taxi, bus, o tren, ang jeep ang sasalo sayo. Maaring maglaman ang jeep ng labing dalawa hanggang sa labing limang pasahero na nakaayos sa pahabang upuang matatagpuan sa likod ng drayber. Halos lahat ng jeep sa Pilipinas gumagana sa pamamagitan ng krudo. Mayroon na ring mga modernong jeep na de-kuryente na inilabas noong Oktubre 2017. 

 

00
Jeepney sa kahabaan ng Espana Boulevard  (Litratong kuha ni Mielo John Narag)
18
Mga pampasadang jeep sa Clark Maingate Terminal, Pampanga  (Kuha ni Keithryn Lee Ortiz)
19
Mga pampasadang jeep sa Clark Maingate Terminal, Pampanga   (Kuha ni Keithryn Lee A. Ortiz)
22
Mga pampasadang jeep sa Clark Maingate Terminal, Pampanga   (Kuha ni Keithryn Lee A. Ortiz)

Epekto ng TRAIN Law sa Sektor ng Jeepney

Isa sa mga masamang epekto ng TRAIN Law ay ang pagtaas ng presyo ng gasolina. Malaki ang epekto nito sa sektor ng jeepney sapagkat ito ang kanilang hanapbuhay. Sa ating lipunan at sa ating mga mamamayan, malaki ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis. Halimbawa na rito ay ang pagtaas din ng pamasahe at pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Tuwing tumataas ang presyo ng langis at ng mga pangunahing bilihin, nagwewelga ang maraming tao na taasan ang sahod. Sa ilalim ng batas ng TRAIN Law, binabawasan ang buwis sa kita ng mga empleyado ngunit hindi rin ramdam ng mga tao ang magandang epekto nito sapagkat kasabay ng pagbawas ng buwis ay ang pagtaas ng presyo ng langis at pangunahing bilhin.

9
Pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo
https://www.untvweb.com/news/big-time-oil-price-hike-looms-this-week/

Hindi lamang ang paggalaw ng presyo sa produktong petrolyo ang naging implikasyon ng TRAIN Law sa mga pampublikong transportasyon, kundi pati na rin sa mga piyesang kinakailangan ng mga sasakyan. Sa kadahilanang iyon, tuluyang inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag pasahe sa mga pampublikong jeepney upang matulungan din ang mga tsuper.

20170810-jeepney-fare-increase-rm
Dagdag sa minimum fare sa jeep mula sa Php8.00 – Php9.00  (Litrato mula sa ABS CBN News)

Kaugnayan ng Epekto ng TRAIN Law sa Sektor ng Jeepney sa Kultura at Wikang Filipino

20
Si Ginoong Arturo Garcia,  jeepney drayber sa loob ng dalawampung taon  sa  Clark Maingate Terminal, Balibago, Angeles City, Pampanga (Litratong kuha ni Keithryn Lee Ortiz)

Bahagi na ng kulturang Pilipino ang pagsakay sa jeep bilang isang uri ng transportasyon. Masasalamin ang kultura ng Pilipino sa mga pampasadang jeep. Makikita rin ang ugali ng mga mamamayang Pilipino at kung paaano sila pakipag-ugnay sa bawat isa tuwing sasakay ng jeep. Makikita rin sa ating bansa na bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng hanapbuhay sa pamamagitan ng pagiging drayber ng isang pampasadang jeep. Karamihan ay ito ang pinagkukuhanan ng kita ng mga pamilyang Pilipino na may katamtaman o mababang estado sa buhay. Sa loob ng jeep ay nagagamit ang wikang Filipino sa pakikipag-komunikasyon ng pasahero sa drayber at sa kapwa niya pasahero.

 

This slideshow requires JavaScript.

Sa isyu ng TRAIN Law, ang pagtaas ng presyo ng petrolyo ay nakaalarma sa mga jeepney drayber at sa ibang mamamayang Pilipino. Hindi sila sang-ayon dito sapagkat ramdam nila ang pasanin at hirap na dulot ng batas na ito. Malaki ang ambag ng wikang Filipino sa pagpapahayag ng mga opinyon at hinaing ng mga mamamayang Pilipino ukol sa isyu na ito. Ang mga mamamayang Pilipino ay sama-samang nagwewelga gamit ang ating sariling wika upang maiparating sa pamahalaan ang kanilang mga saloobin. Sa kabila ng mga problemang kinakaharap ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino dulot ng TRAIN Law, sila ay pinagbubuklod ng wikang Filipino upang magtulungan sa paglutas ng suliranin.


Konklusyon

222
Ang isang gas station attendant ay kinakargahan ng diesel ang jeepney   Nakuha mula sa https://motioncars.inquirer.net

Ang usapin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ay hindi maikakailang isa sa pinakamainit na isyu sa panahon ngayon. Pinukaw nito ang kamalayan ng iba’t-ibang sektor sa ating lipunan, higit na ang atensiyon ng mga ordinaryong mamayang Pilipino na batid ang malaking pagbabagong kalakip ng pagsasabatas nito. Bilang pagtukoy sa isa sa mga tuwirang epekto nito, patunay na ang sunod-sunod na dagdag pasahe at mga kaganapang damay ang pampublikong transportasyon; ang jeepney, bilang pangunahing metodo nito.

7
              Protesta ng mga kabataan sa TRAIN Law  (Litratong kuha ng Anakbayan)                    Nakuha mula sa http://www.anakbayan.org

Mahalaga ang gampanin ng wikang Filipino sa pagpapatupad ng TRAIN Law na kung saan apektado ang mga mamamayang Pilipino. Lubos na maiintindihan ng mga Pilipnio ang konsepto ng TRAIN Law kung ang wikang gamit upang talakayin ito ay wikang Fiipino. Ang pagtaas ng presyo ng petrolyo ay may malaking epekto sa sektor ng jeepney. Tumutugon ang mga Pilipino ukol sa isyu na ito sa pamamagitan ng paglalahad ng kanilang mga saloobin gamit ang ating pambansang wika. Magkakaroon ng higit na pagpapahalaga sa intelektuwalisasyon ng Filipino sa larangan ng batas tulad ng TRAIN Law na may kaugnayan sa kabuhayan ng mga Pilipino. Mahalaga rin ang paggamit ng wikang Filipino upang mas lalong maintindihan ng mga estudyanteng nasa larangan ng negosyo, pinansya o akawntansi ang konsepto ng TRAIN law at upang makapagbigay sila ng mga maayos at angkop na solusyon sa suliraning ito.

sunstar-cagayan-de-oro-transport-strike-2018-19-03_0
                                       Transport strike sa pagbabasura ng TRAIN Law (Cagayan de Oro)                                        Letratong kuha ni Alwen Sariling (mula sa https://www.sunstar.com.ph)

Mga Sanggunian

ABS-CBN News. (2018, Hulyo 06). Dagdag-pasahe sa mga jeep epektibo na. Retrieved Oktubre 18, 2018 from https://news.abs-cbn.com/news/07/06/18/dagdag-pasahe-sa-mga-jeep-epektibo-na

Cordero, K. (2018, Marso 7). Train law, ramdam na ang epekto. Retrieved  Oktubre 18, 2018 from https://philippineone.com/trainlaw-ramdam-na-ang-epekto/

Department of Finance. (2018, Mayo 20). Inflation maneagable train says DOF chief economist. Retrieved Oktubre 18, 2018 from https://www.dof.gov.ph/taxreform/index.php/2018/05/20/inflation-manageable-train-says-dof-chief-economist/.

Department of Finance. (2017, Desyembre 27). The tax reform for acceleration and Inclusion (TRAIN) act. Retrieved Oktubre 18, 2018 from https://www.dof.gov.ph/index.php/ra-10963-train-law-and-veto-message-of-the-president/

Manabat, J. (2018, Hunyo 17). Fuel vouchers sa mga pumapasada nais ipamigay sa Hunyo. Retrieved Oktubre 18, 2018 from https://news.abs-cbn.com/news/06/27/18/fuel-vouchers-sa-mga-pumapasada-ng-jeep-nais-maipamigay-sa-hulyo

Philippine Jeepney. (2008). Kasaysayan ng Philippine Jeepney. Retrieved Oktubre 18, 2018 from http://www.tourisminthephilippines.com/transport/fil-philippine-jeepney-history.html

Reyes, E. (2018, Hulyo 3). Transport sector, unti-unting nalulumpo dahil sa TRAIN. Retrieved Oktubre 18, 2018 from https://remate.ph/2018/07/13/transport-sector-unti-unting-nalulumpo-sa-epekto-ng-train-bam/

Reyes, I. (2018, Mayo 22). Itigil ang TRAIN! Signature campaign laban sa TRAIN law, inilunsad. Retrieved Oktubre 18, 2018 from https://news.abs-cbn.com/news/05/22/18/itigil-ang-train-signature-campaign-laban-sa-train-Law-inilunsad

Valmonte, R. (2018, Enero 8). Sasagasaan ng TRAIN ang mga dukha. Retrieved Oktubre 18, 2018 from http://balita.net.ph/2018/01/08/sasagasaan-ng-train-ang-mga-dukha/

Vinzons, I. (2015, Nobyembre 17). Ang Diwa ng Jeepney. Retrieved Oktubre 18, 2018 from https://www.pssp.org.ph/diwa/diwa-e-journal-tomo-3-nobyembre-2015-ang-diwa-ng-jeepney/

Blog at WordPress.com.

Up ↑

Design a site like this with WordPress.com
Get started